Sarwela sa Panahong 2012 tulad ng “Walang Sugat” ni Severino Reyes: Ano ang Maasahan Mo?

Noong huling Huwebes ika labing-anim ng Agosto, ang Special Education Philippines ay nagpunta ng CCP upang mapanood ang isang sarswelang itinanghal ng mga aktor at aktres ng Tanghalang Pilipino,  isinulat ni Severino Reyes at idinerekta ni Carlos Siguion-Reyna. Ang sarswelang ito ay pinamagatang, WALANG SUGAT.

 

Walang Sugat Cast of 2012 Special Education Philippines

Walang Sugat Cast of 2012 Special Education Philippines

 

Sino si Severino Reyes?

 

Si Severino Reyes ay isang Pilipinong manunulat at director ng mga dula. Isinulat nya ang sarswelang “Walang Sugat” na naipalabas noong 1898. Si Severino Reyes ay mas kilala bilang “Ama ng Sarswelang Tagalog” at ginawa nya ang sarswelang “Walang Sugat” upang ipakita ang kanyang paglaban sa imperyalismo.

 

Ano ang pagkakaiba ng sarswela sa isang dula?

Nauso ang pagpapalabas ng mga sarswela sa Pilipinas noong panahon ng mga Kastila at Amerikano. Ito ang paraan ng paglilibang ng ating mga kababayan kung saan ang mga tao ay nagtitipon-tipon upang manood ng isang presentasyon sa entablado. Sa isang sarswela ikaw ay makakapanood ng dulaan, kantahan at minsan tulaan ng mga aktor at aktres. Kung ito ay ihahambing sa panahon ngayon, ang sarswela ay masasabi kong malapit na maituturing bilang isang dulaang musikal or “musical play”. Ang dula naman ay isang porma ng literatura kung saan ang mga aktor ay nagdadayalog lamang.

 

Severino Reyes Ama ng Sarswelang Tagalog Director Carlos Siguion Reyna Special Education Philippines

Severino Reyes Ama ng Sarswelang Tagalog Director Carlos Siguion Reyna Special Education Philippines

Ano ang pinagkaiba ng sarswela ngayong 2012?

 

Ang sarswelang “Walang Sugat” ni Severino Reyes ay isinulat upang ipakita ang mga kahirapang dinanas ng mga Pilipino at ng Pilipinas noong tayo ay nasasakop pa ng mga Kastila. Sa sarswelang pinamunuan ni Direktor Carlos Siguion-Reyna ngayong 2012, para sa kanya ang pangasiwaan ang pagtatanghal ng Walang Sugat  ay isang matagal nang pangarap na proyekto. Bilang isang kilalang director sa pelikula, ang magdirek ng isang sarswela ay isang hamon upang makita nya ang kanyang katotohanan mula sa paksa nang dula ng hindi nakatali sa komong naturalismo, isang bagay na inaasahan kapag gumagawa ng pelikula.

 

Mga importanteng detalye na marahil hindi nyo nalalaman tungkol sa sarswelang, Walang Sugat:

 

1. Ang original na kantang “Bayan Ko” ay isinulat sa Espanyol para sa sarswelang “Walang Sugat”. Ang kilala at naririnig nating Bayan Ko ngayon ay isinulat ni Jose Corazon de Jesus at binigyan ng himig ni Constancio de Guzman. Maraming mangangawit na ang kumanta ng Bayan Ko kabilang na si Freddie Aguilar at Leah Salonga.

 

 

2. Ang pagsasadula ng Walang Sugat sa CCP ngayong 2012 ay sya ring pagbabalik muli sa entablado ng isang beteranang aktres ng Tanghalang Pilipino, si Ms. Noemi Manikan-Gomez. Sya ang orihinal na pangunahing aktres sa dulang, Dalagang Bukid.

WALANGSUGAT Juana Tadeo Amang Characters Special Education Philippines

WALANGSUGAT Juana Tadeo Amang Characters Special Education Philippines

3. Ang gumuhit ng disenyo para sa kasuotan ng mga aktor at aktres sa dulang Walang Sugat 2012 ay ang apo sa tuhod ni Severino Reyes, si James Reyes. Para kay James Reyes ang mga kasuotan ni Julia (bidang aktres) at Juana (ina ng bidang aktres) ay ginawa upang maipakita na sila ay nakaka-angat sa iba. Ito ay dahil na rin sa estado nila sa buhay base sa sarswelang ito.

WALANG SUGAT Julia and Monica Costumes Special Education Philippines

WALANG SUGAT Julia and Monica Costumes Special Education Philippines

Para sa akin, kapansin-pansin talaga ang mga kasuotan ng mga aktor sa sarswelang ito lalo na ang saya ng mga babaeng aktres. Kung ako ang masusunod, gusto ko sanang ma-uso ang istilo ng saya na nakita ko sa sarswelang ito sa panahon ngayon. Para sa akin ang kumpas ng mga saya nila ay may hatid na lantik ng isang mahinhing dalaga ngunit may lakas rin ng isang matatag na babae . Upang lubos na maintindihan ang sinasabi ko, mas mabuting makita nyo ang mga kasuotann ito gamit ang sarili nyong mga mata at panoorin ang sarswelang, Walang Sugat.

 

Ano ang aking opinyon pagkatapos panoorin ang sarswelang, Walang Sugat?

 

Ako ay higit na nanghihinayang na hindi ko dinala ang aking anak upang mapanood ang sarswelang, Walang Sugat. Kung kaya’t inaanyayahan ko ang lahat ng eskwelahan, guro, magulang, mga kapatid na mahilig sumuporta sa mga palabas sa entablado ng Tanghalang Pilipino, huwag natin palagpasin ang pagkakataong ito na makapanood ng isang sarswelang higit sa 100-taon nang nagawa at nagpapakita ng ating kasaysayang Pilipino. Totoong napakakulay ng ating kultura. Nakakatindig-balahibo ang ating musika lalo na kapag narinig mo ang kantang Bayan Ko at maintindihan kung saan konteksto sya nagmula. Nakakaluha ang dinanas ng ating mga ninuno upang matamasa lamang ang kalayaang dinaranas natin ngayon at nakakalungkot mang sabihin ay ipinapagsawalang-bahala ng karamihan ang karapatang ng malayang pamamahayag at pagsasalita.

 

Ngayong Buwan ng Wika, sana ay may gawin tayong makabayan. Ang pagsuporta ng ating lokal na teatro tulad ng Tanghalang Pilipino at ang panonood ng Walang Sugat ay isa lamang sa mga simpleng bagay na magagawa natin upang maipakita ang ating pagmamahal sa bayan.

 

Ang Walang Sugat ay ipapalabas sa  Huwebes Thursday (Agosto 16, 2012) 8:00pm; Biyernes (Agosto 17 & 24, 2012) 3:00pm and 8:00pm; Sabado (Agosto 18 & 25, 2012) 3:00pm and 8:00pm; and Linggo (Agosto 19 & 26, 2012) 10:00am & 3:00pm.

 

Makakabili ng tiket sa Ticketworld (632) 891-9999. Upang makapanood ng Walang Sugat, huwag maatubiling kumontak sa Tanghalang Pilipino.  Maaring magreserba ng tiket kay Cherry Bong (632) 8321125 lokal 1620 and 1621; facsimile number (632) 8323661; mobile number +639177500107 or +639189593949; wireless landline (632) 2183791; email address: tanghalangpilipinomarketing@yahoo.com.ph.

 

Para sa kumpletong album ng mga litrato mula sa sarswelang Walang Sugat, maari itong mahanap sa Special Education Philippines Facebook Fan Page.

 

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pilipino!

 

… at Ginoong Tito Sotto sana magpaumanhin ka na sa ginawang pangongopya. :P

15 Comments  to  Sarwela sa Panahong 2012 tulad ng “Walang Sugat” ni Severino Reyes: Ano ang Maasahan Mo?

  1. Shame on you sought-to-copy. :)

  2. itin says:

    Sarsuela in the modern day is a challenge as I;m not sure if this kind of stageplay will bait the modern West End theatrical type of patronizers. I want to see it though cuz it’s been almost a decade since the last time I went inside a play theatre.

  3. Fred says:

    I was also there last Thursday! And I thoroughly enjoyed it myself. People who expect a stodgy boring historical drama have a big surprise coming to them!

  4. Fred says:

    Hope to meet you too someday. Have you read my review of “Walang Sugat”? I posted it here: http://tinyurl.com/8wwqbhb

  5. itin says:

    I love watching theatre plays and sarsuela is something I’ve never witnessed in person. Not sure if this will appeal the majority of the modern day patronizers of West End type of stage production but whatever, I’d love to watch this here in Cebu. It’s been a long time since I’ve been to a stage play.

  6. Tim says:

    this is what i love about Buwan ng Wika. All-pinoy theater!!! Galing!

  7. Dems says:

    Ako ay nahihiwagaan sa sarwelang ito, base na din sa pag lalahad mo ng iyong karanasan matapos itong mapanood.

    Napakaganda ng kanilang kasuotan :)

  8. Severino reyes is the name of our street address :) this sarswela seems interesting! :)

  9. Franc Ramon says:

    Always nice watching old school sarswela plays. It also brings out the best of the performers.

  10. I like watching performances like these. I am a bit into theater too but no time to delve into the industry. Well, plays like these are big catalysts for Filipinos to enhance their prowess in the realm of plays.

  11. Trish says:

    Sayang! Gusto ko sanang mapanood din ito, kaya lang hindi kami pwede itong darating na weekend. Gusto ko din mapanood ng mga anak ko itong mga ganitong palabas. At interesting ang mga taong kasali sa palabas!

  12. Rossel says:

    Honestly, I haven’t watched a sarswela yet. Poor me. But I am glad that my daughter watches sarswela and stage plays as part of their school activities.

  13. nathaniel c. estrella says:

    gusto ko sanang panoorin ito kaso maikli lng ang time ka sa susunod na lng seguro,interesting ang palabas na ito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>